Philippine Mission
Fr. Benedick Dela Cruz in his Philippine Mission The Old Catholic Church of BC, Philippines
Pagbati mula sa Simbahan ng Antigong Katoliko ng Britanya Kolumbya
Ang Simbahan ng Antigong Katoliko (Old Catholic)
Sa kaysaysayan ng Antigong Katoliko, may mga Simbahan na naging bahagi nito sa iba’t-ibang panahon at lugar. Ang unang grupong Katolikong Simbahan nagtalaga bilang Antigong Katoliko ay ang Dutch nang nakisimpatiya at kinalinga ang mga Katolikong Frances na pinagkaitan ng kalayaang pangrelihiyon. Si Domino Marie Varlet (1678-1742), Obispo ng Pransya, ang tinaguriang ama ng Antigong Katoliko ng Utrek. Siya ay naging Episcopal Vicar ng Obispo ng Kebek at naging misyonero sa Fort Louis, Louisiana noong ika-6 ng Hunyo 1713, at sa Kebek mula noong ika-21 ng Setyembre hanggang ika-2 ng Oktubre 1718. Bumalik siya sa Yuropa para sa pagkonserka bilang Coadjutor Bishop ng Babilonya (sa kasalukuyang Baghdad, Iraq).
Sa paglalakbay patungo sa kanyang dioses nung 1719, habang nasa Amsterdam at sa kahilingan ng isang suwail na pari ng Holland, iginawad niya ang sakramento ng kumpil sa 604 na katao na pinagkaitan ng nasabing sakramento dahil sa alitan ng Simbahan ng Utrek at ng Roma. Sa pangyayaring ito, sinuspindi ng Roma ang paggawad sa kanyang saklaw na dioses. Nung 1721, bumalik siya sa Holland. Nung ika-13 ng Oktubre 1724, sumulat ang canon ng Utrek kay Obispo Varlet sa paghiling ng pagkonsekra kay Cornelius van Steenhoven bilang Obispo. Naganap ang nasabing kahilingan noon ika-15 ng Oktubre 1724 sa Amsterdam. Sa pagsulat ng bagong Arsobispo ng Utrek kay Papa Benito XIII para ipaalam ang kanyang konsekrasyon, nakatanggap ng kasagutan noong ika-22 ng Pebrero 1725 sa maikling liham ng Santo Papa pinamagatang “Qua Sollicitudine,” isinasaad ang pagiging ekskumunikado niya, si Obispo Varlet, at ng lahat nakipabahagi sa proseso. Mula noon, ang Simbahan ng Utrek ay naging independiyente mula sa Roma. Kinilala ang Simbahan ng Utrek ng pamahalaan sa pangalang “Kerk genootschap der Oud-Bisschoppelijke Clerezij” noong 1912; nagbahgi ng 12,000 florins ang pamahalaan sa Simbahan ng Utrek. Sa Antigong Katoliko laging tinataguyod na mula kay Kristo, matatagupuan ang tunay na kalayaan. Nang naideklara ang doktrina nung 1870 ng Unang Konseho ng Vatican na ang Santo Papa ay “infallible,” may mga simbahan ang umanib sa Simbahang Utrek. Kabilang dito ang Simbahan ng Awstriya, Alemanya, Babarya at Switserland dahil ang kanilang pananaw na si Kristo lamang ang “infallible” ay mas akma sa pananaw ng simbahang ng Utrek kaysa sa Roma. Dahil dito, itinaguyod nila ang pangalang Antigong Katoliko. Sa kasalukuyan ang simbahan ng Antigong Katoliko ay matatagpuan sa Hilaga at Timog Amerika, Yuropa, Awstralya at New Zealand.
Ang Simbahan ng Antigong Katoliko ng Britanya Kolumbya, kilala din bilang Simbahan ni San Rafael, ay naitaguyod noong 1921 bilang isang independyente na ang “Apostolic Succession” ay nagmula sa Simbahan ng Utrek. Ito ang nagpapatibay na tumpak ang mga rito, sakramento at ang mga ordinasyon. Kapagtapos ng higit ng limang taong pagliliham, pananaliksik, testimonya, atbp., ang mga Obispo ng Unyon ng Utrek sa International Old Catholic Bishops’ Conference sa Münchenwhiler, Switzerland mula ika-26 hanggang ika-31 ng Marso 2006, napagkasunduan ang pagawad sa Simbahan ng Antigong Katoliko ng Britanya Kolumbya ang “Status with condition” sa loob ng anim (6) na taon (mababasa ito mula sa http://www.utrechterunion.org/english/communiques/ ibk2006-eng.pdf).
Sa liham kay Obispo Gérard LaPlante ni Arsobispo Joris Vercammen, Pinuno ng Unyon ng Utrek, noong ika-6 ng Hulyo 2006, malugod na tinanggap ang Simbahan ng Antigong Katoliko ng Britanya Kolumbya na may ganitong salita “…Nagpapasalamat kami sa Panginoon sa paganyaya sa pakikiisa at naniniwala kami na kayo ay biyaya sa amin.” Dumalo si Obispo Gérard LaPlante sa ika-29 Kongreso ng Antigong Katoliko sa Freiburg, Alemanya mula ika-7 hanggang ika-11 ng Agosto 2006 bilang ating kinatawan. Noong ika-4 hanggang ika-11 ng Pebrero 2007, dumalo bilang miyembro sa “International Old Catholic Bishops’ Conference” sa Wislikofen, Switzerland kasama si Padre Claude Lacroix, kinatawan ng Kebek, ngunit sa hindi pagkakasundo ng kuru-kuro, hindi na naging bahagi sa nasabing Unyon.
Nung 1930’s, sumanib si Reberendo Padre Henry Barney, OMI (Oblates of Mary Immaculate) sa Simbahan. Dahil sa kanyang kasipagan at pagmamahal, ang Simbahan ay naitaguyod at lumago sa Britanya Kolumbya. Ibang mga kaparian ay sumunod sa yapak ng mga gawaing misyonero ng Simbahan, nangangaral ng Banal na Ebanghelyo ni Kristo ng pananampalataya, pag-asa at pagmamahal na walang pagkiling sa lahi, paniniwala at kulay. May pitong sakaramentong iginagawad. Hindi kami nakakatanggap ng anumang abuloy mula sa pamahalaan. Kami ay nakatala sa gobyerno (Ottawa) at sa probinsya ng BC at Kebek. Sa simula pa ng Simbahan, nakapagbahagi na kami sa daang daang tao na nangagailangan ng masisilungan, trabaho at matulungan na tumayo sa kanilang sarili. Ang mga pari ay walang sahod. Ang “celibacy” ay opsyonal. Ang mga kasapi ng Simbahan ng Antigong Katoliko ay masayahing Kristyano, lalo na sa pagbabahagi ng pananampalataya sa mga nawawalan ng pag-asa at sa mga hindi alam si Kristo. Ang pagmamahal at debosyon kay Kristo at pagbabahaginan ang pamantayan sa pagiging kasapi sa Simbahan ng Antigong Katoliko.
Ang kapaypaan ni Kristo ay laging sumainyo.